Paano Ba Dapat Pormahan Sa Dubai? #tagalogthursday

Today, I came with the idea of writing in Tagalog (#tagalogthursday), I remember watching news happening in our country, there was an event that the Kadamay group occupied housing projects that is built for soldiers.
Cut the story short, they have representatives from their group who attended the hearing in the court. In the end, they were interviewed and asked, how was the decision for you? she said: “hindi ko naintindihan kasi english lahat” (I did not understand bec. it’s all in english). Poor people. Living in the Philippines and yet they need to digest the foreign language.
So, I want to write pieces on my newbie blog some tagalog stories from time to time para relate din kagad diba?
Naalala ko nung college years ko, may isa akong propesor, para daw mag stand out ang drawing mo/anything na ginagawa mo – dapat may libog! (libog tagalog meaning, hindi yung wholesome na naguluhan sa bisaya). Ano reaksyon namin? opkors tumawa lang kaming lahat! pero may point sya diba? Pano mo ba i redefine yung libog sa totoong buhay with regards sa mga ginagawa mo? Dapat me angas! me dating! ung isang tingin mo plang, nakuha ka na! you nailed it ganern!
Yung OPM music, bakit mas tagos sa buto pag naririnig mo? kasi diba mas sapul pag native languange ung gamit?
Ang tanong: So, paano nga ba natin ma-iaapply yan sa araw araw buhay?
Pag nasa Dubai ka, obserb, anong lahi mo ba? sa puntong 1-5, pang ilan ung lahi mo sa bansang ito na ginagalang or tinitingala apart kay Michael Cinco?
Nirerespeto ka ba ng mga ibang lahi pag nakita ka nila o dismayado sila kagad?
Ang sagot: Simple lang, simulan natin sa pananamit.
Here’s how to do it,
Palitan ang bibili-ng-suka-sa-tindahan outfit?
tindahan outfit- thekbyn
Photo from bintelmanaseer
Yung tipong kinausap kayo ng mga amo nyo to dress properly at work, ang dress properly is pantalon, Jordan at white t-shirt? (Jordan meaning rubber shoes, at kung ano pang brand basta rubber shoes)
Yung tipong a-attend ka ng interview suot mo backless na dress with pink lipstick at sinelas?
Yung tipong pupunta ka ng simbahan naka spaghetti strap top ka tapos ragged jeans, sa harap ka pa umupo, at nag communion ka pa?
Yung pupunta ka ng Phil. Consulate at iba pang consulate ng naka shorts, t-shirt pero naka NMD Adidas rubber shoes ka?
Or yung kahit san ka magpunta, tshirt-shorts-sinelas outfit mo? tipong bibili literal ng suka!
Walang budget? Meron yan for sure, kung kaya mong bumili ng gadgets, kaya mo din bumili ng long sleeves.
Alam mo ba na there’s a Psychology behind dressing up? How you dress has a big impact on how people view you, and how you view yourself.
Kung tingin mo sa sarili ay “average”, there’s a possibility na yung buhay mo forever average.
Ano daw ba sikreto para maging confident? Yung iba sabi having positive mental attitude, yung iba sabi kapag mayaman ka na confident ka na. Pero galing sa isang pag aaral,  ang sagot ay kung paano tayo manamit.
“Clothing can make people more confident in all sorts of situation”. “Putting on different clothes creates diff. thoughts and mental process” – Prof. Karen Pine ng University of Hertfordshire. 
Meron pang ibang research from The Harvard Business na 37% sa mga lalaki naniniwala sila na kapag hindi ka mukang leader sa pananamit, hindi mo din makukuha ung role ever.
Sa opisina ng kapatid ko, hindi nila ma promote as Manager ung isa nilang kasamahan, bakit? Kasi problema ng boss nila ung pananamit, pano nga ba aattend ng meeting kung parang bibili ng suka diba? pano mo i – haharap sa mga clients kung hindi presentable? Ask yourself, baka isa tong factor sa pagtigil ng promotion ko ah! Try ko ngang magbago.
Ang pagharap sa tao ng may tamang pananamit ay isang simbolo ng pag galang. Si Pres. Duterte nga na bash sa pananamit nya, tyo pa kayang commoners?
Nasubukan mo na bang tumodo ng outfit at kumain sa labas? how was it? iba diba, impressive noh? Kasi sa mundo ng mga expat, ang kauna unahang basehan para makilala ka nila at mahusgahan ay sa pamamagitan ng pananamit. Sad diba? Pero that’s how the world works.
Kaya sa sales, ang tingin nila kagad sayo ay mulo ulo hanggang sapatos, kasi doon nila gina-gauge kung afford mo ba bumili ng product nila. Pinag aaralan din nila yan kaya basic guide nila is how you dress, ano bag mo, accessories mo, atbp.
Kaya, sa lugar na puros strangers, we better level up tama? ok na tyo sa casual wear, try naman nating mag smart chic, smart casual at formal wear! Try mo, you’ll be impressed with yourself! Magababago din perspective mo sa buhay, (btw, smart casual is not casual ok?) Yan ang yabang pinoy diba, presentable. #ihandaangredcarpet!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s