Confirmed Sa Buffet, Seen Mode Sa Sport Invites #tagalogthursday

Para sa’yo to Bes! Brad!
 Nakita mo ung sinulat ni Benjamin Franklin na –
 “Eat to live, don’t live to eat.”     ?

Na gets mo ba pinag kaiba? Yung don’t eat to live, para yan sa mga taong wala pang hapunan puros pagkain na nasa isip. Yung week end itinerary ay naka focus lahat sa pagakain! Ouch! Harsh ba?
 Naalala nyo ba nung nag bukas ung Max’s restaurant sa Karama? Naki-join ka ba sa box office week end pila? Tapos pag nakapasok ka, para kang nasa Tayuman (naka tayong kumakain) dahil, hindi ka pa tapos, may naka-abang na mahabang pila ng mga tila zombies sa labas ng resto? #kamiNaman #tamaNaKwentuhan
 Lasang Pinas diba?
 Eh nung nag bukas ung Jollibee sa Food court sa The Dubai Mall?
Head turner ang eksena, parang pila sa pag apply ng renewal ng passport, kinabog ung KFC at ung McDonald’s ni Ray Kroc .
Ngayon, Iba na. Pag nagpunta ka sa Max’s, arms wide open na ang eksena at makakapili ka pa ng table. So, ano na pumalit?
Meet Boodle fight, Dampa at Buffet.
 Yan yung tipong dalawa lang kayo pero boodle fight parin inorder mo. O para masulit mo binayad mo,  babawi ka sa unli-rice at unli- ice tea. Oh hindi naman, kaka buffet mo lang kagabi, kaka-sawa dampa nlang mamaya. #BuhayDubai
 Bakit nga ba ang sarap kumain ng Pinoy?
 Sabi sa CNN i report,
“Being part of Filipino culture since the earliest dawn of celebrations both grand and simple, the delight of eating has always been there to make family and community bonds stronger (but never to a glutinous point)“. 
Embed from Getty Images
 Tama, nasa Kultura, sa mge celebration lalo na pag piesta, pasko, atbp.
Eh bakit ang dami mo ng nakain, hindi ka mabusog busog? Una, dahil ang kanin, tinapay at pasta (mga carbohydrates) ay madaling ma burn, pangalawa, yung cells ng ating katawan nag aantay ng angkop na nutrisyon at sustansya, so pag kumain ka ng pagkain na galing sa mga fast food etc. wala masyadong na isusupply na tamang nutrisyon, in the end gutom ka nanaman, kaya kakain ka na naman or double the quantity.
Ngayon, yan din ba gusto mong ipa-mana sa next generation ng mga Pinoy? 
Puros pagkain, kain lang ng kain? (quantity over quality?)
Bakit pag buffet, may binibigay na sensation na tila mauubusan ka na ng pagkain? Ang pangit diba? we’re like animals when it comes to buffet. Nag uunahan maka puno ng plato, at pabalik balik pa.
Sa Pinas, yung mga influencers, celebrities at mga gym rat lang ang mahilig sa sport activities, bakit? Kasi ang sagot lagi natin: “Ah kasi yan ung kabuhayan nila”.
Mali diba? It’s time na may gawin tayo. Hindi yung kung kelan may nararamdaman na tayo, saka palang gagawa ng hakbang or kapag may edad  na. Mas maganda sana yung balanse, kung gaano tayo excited kumain (ng tamang pagkain) – dapat ganun din sa pagiging physically fit. Subukan mo, magaan sa pakiramdam at for sure kung ano man ang maintenance medicine mo ngayon, possible pa yang mawala.
Hindi po ako gym membership sales rep., kahit ako walang pang gym (ang mahal eh diba?), Pero meron akong iba’t ibang paraan para maging active. Bumili ako yoga mat para sa bahay anytime, gagayahin ko lang yung sa youtube or pumupunta ako sa Zabeel park (5aed entrance fee), at doon ako tumatakbo/naglalakad or nag Freeletics.
1
Sa Zabeel Park
Message to myself: Kung hindi ko kayang gawin para sa sarili ko, sino gagawa para sa akin?
At kung hindi mo naman bet mag exercise at dedma ka sa sarili mong kalusugan, isipin mo nlang na, pano naman ung mga nagmamahal sa akin,  ung mga umaasa sa akin. Kasi pag lalo tayong lumalaki, lalo tayong lapitin sa sakit, ibig sabihin niyan = gastos, maintenance sa gamot, therapy, etc.
Pabata na ng pabata ang mag namamatay sa mga sakit na dahil sa obesity, diabetes, atbp. Wag ka munang sumama bes sa listahan! 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s