Ano Nga Ba Purpose Of Being An OF? #tagalogthursday

Gaano ka na ka tagal dito? 
Yaan ang laging tanong everytime na may nakikilala tyong kabayan. Bakit nga ba lagi yan ka agad ang tanong  kapag pumunta ka sa mga seminars or kahit sa simpleng one on one encounter with kabayan?
Kasi yang ang basehan. The more na mas matagal ka ng OF, the more na iniisip natin na may ipon at investment ka na either dito or sa pinas.
Teka, ang magarang sasakyan ba na hinuhulugan mo monthly ay investment ba? Kung nag gegenerate yan ng pera, like ginagamit mo for business (car lift, uber etc.) pwede, kung personal, obviously – hindi. 
Eh kung ang reason bakit ako bumili ng sasakyan is to save time, because time is money ika nag diba? Para magawa ko yung iba kong business na instead na ginugugol ko sa traffic using public transportation. Yan! Then your car becomes an asset. Pero consider UAE, magkano lang ba second hand na Range Rover? 60,000AED! Mahal pa yung Toyota Altis sa Pinas diba? Dito, ang sasakyan wala halos value, mabilis mag depreciate.
One time, pinaringgan ako ng nanay ko sa pinas  – na yung kakilala niyang OF, may bahay na “daw’. Hindi ako nag react syempre, that time iba prioritites ko – to live somewhere else, not in the Philippines. Sa pag a-attend ko ng mga mahal na financial seminars left and right dito sa Dubai, naliwanagan ako. 
Ang tanong, sa ilang taon mo sa ibang bansa – tanging pag tulong lang ba ang plano mo sa buhay mo for the rest of your life? Perang padala, perod?

peso ballon

 

Yung iba halos 80% ng sahod direcho kagad sa pinas? Walang masama diba? Pero naisip mo ba in the future paano ka? Pag nag ka pamilya ka, ganun din ba gusto mo mangyari – na aasa ka din sa padala ng mga anak mo?
Sa dami ng napuntahan mong lugar kaka-travel, sa kaka-padala mo 2 times kada buwan, eating out sa Restaurants every night, bagong cellphone, camera at drones, isama mo na yung pang ootd, bagong Adidas, ay may bago din yung Nike, yung Hyper adapt pang Instagram – sa every day life, every month life at every year life mo na ganyan ang diskarte mo sa buhay – naisip mo ba kahit one time, ano ba purpose mo,  ba’t nandito ka sa UAE?
Tulungan kita,
Kasi baka one day mawalan ka ng trabaho, saan ka kukuha ng pera? Ibebenta mo mga gadgets mo? good, then after? 
Una, Isipin mo kaagad na hindi ka forever dito sa UAE, i-todo mo yung maiipon mo in a span of short time. Short time  = 10 years. (oo, mabilis lang yan!)
Target mo na bumili ng bahay sa Pinas, para kapag uuwi ka – hindi ka titira sa bahay ng nanay mo. Remember: yung mga magulang natin, nag loan din sila para mabili nila yung bahay that we all call home. It’s our turn diba?
Before targeting to buy a house, palakasin mo muna yung buying power mo, naks! inimbento ko lang yan. Mag ipon ka ng mag ipon ng pera, hanggang sa dumating yung time na lalakas na din yung loob mong mag invest, whether sa lupa, sa stocks at sa  iba pa.
Hindi 80% padala – 20% food and expenses dito. Nabuhay ka pa diba? Dinaig mo pa kalabaw. Nasa Kultura nga naman natin na tumulong sa mga magulang natin, hindi natin maiaalis yan, pero pwede natin baguhin  yung diskarte. 
Mayroon din tayong tinatawag na buffer fund. Yung buffer fund is para sa anything na may mangyari sayo like nataggal ka sa trabaho, pano mo babayaran yung rent at expenses mo dito? Yung buffer is extra money dedicated sa mga situations na unexpected. Magkano ba buffer fund na dapat kong i-allot?
kapag single ka -3x ng salary mo, (ex. 4,000AED salary/month, 3 x 4,000 = 12,000AED)
kapag may asawa’t anak ka – 6x ng salary at
kapag may business ka – 12x of your salary (depende gaano kalaki/kaliit ang business)
Ngayon, may buffer fund ka na, sapat na ipon mo, pwede ka ng mag start pumasok sa real estate investment, stocks, mutual funds at business. Of course, hindi mo kailangan ng 5M savings bago ka bumili ng bahay. Like our parents did, nag loan sila para sa bahay (good debt), pero unahan mo na rin, na kapag nawalan ka ng source of income, pano mo mababayaran yung monthly rent? Dito ngayon papasok yung buffer fund. Pag may investment ka, pwede mong dagdagan yung buffer fund.
Saan ba mabilis mag multiply ang pera? Sa Stocks syempre. Pero hanggat may utang ka at hindi ka stable, wag mo munang pasukin ang mundo ng stocks.
Pension, aasa ka din ba kagaya ng mga lolo at lola natin sa SSS pension, at SSS pension alone? after mong mamuhay ng marangya abroad, kasya ba yung 15k php/month? Diba hindi?
Hangga’t bata ka – kumuha ka ng Insurance, Allergic ka na ba sa word na Insurance? hindi yan networking, madaming free Seminars dito sa UAE, try mo umattend, it’s worth kaysa mag Facebook ka lang sa bahay. By the way, seminars para ma enlighten hindi para bentahan ka kaya wag kang ma turn off ka agad.
Ang major major na tanong ng mag OF, Ano po ba programa ng gobyerno para sa amin pag uwi namin sa Pinas or kapag biglaan kaming nawalan ng trabaho?
Bes at Brad!
Huwag natin i-asa sa gobyerno ang problemang kaya naman natin solusyunan hangga’t bata at may chance pa tayong tumagal dito sa UAE.
Idea?
  • Savings (pera sa banko)
  • Business (while still working)
  • Real Estate (Condo/house na pa rentahan mo)
  • Stock, Mutual Funds, etc.
  • Gold/ metals (paper gold, gold sa stocks, not yung necklace, bracelets, etc.)
  • Insurance 
  • SSS Pension

KEYTOAVOIDPOVERTY.jpg

Yan lang ang guide, for sure ma rereverse ang nakagisnan natin na manghihingi ng pera sa mga future employee anak at apo natin, mas maganda ikaw na ang hinahabol dahil sa mga ipamamana mo. Samantalahin natin na mas maganda yung pasahod abroad compare sa Pinas. Gawin mong guide yan kung bakit ka nandito kabayan!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s