May Problema Ba Tayo Sa Kulay Maiitim? #Tagalogthursday

Nung last week end napanood ko yung Rated K, sa programa, may babae na tinawag nilang Reyna Retokada/Queen of Transformation, mula sa malusog at kulay itim hanggang sa sexy at maputi. 

ratedk.jpg

Gaya nga ng sabi ng mga artista sa industriya, walang masama kung gusto nating     i-improve yung pisikal side ng buhay natin.
Ano nga ba ang maganda sa mata ng tao? maputi? magandang porma ng katawan para sexy ka agad?  
Hindi ba’t ang tunay na Pilipino ay kayumanggi, hindi katangkaran at pango ang ilong? Meron ba sa mga artista sa bansa natin na nakikita mo sa tv na may ganyang katangian?
Para sa akin, iilan ilan lang, sila Bianca Gonzales, Alessandra de Rossi, Kaye Abad, Isabelle Daza, Iza Calzado at si Ylona Garcia. The rest na nakikita mo sa tv, sabi ng puti kong asawa – hindi sila pinay  (by the looks).

pinay.jpg

After 2 years ko dito sa Dubai, pag uwi ko, nagpunta ako sa dermatologist dahil sa skin dryness. Apart sa emolient balm sa prescription, sabay alok ni dok,
Doc: Gusto mo ng glutathione?
Ako: No thank you doc, happy ako sa color ko.
In case curious kayo sa kulay ko, here’s my bronzing color.

Screen Shot 2017-06-12 at 3.10.48 PM.png

Nung bata ako, syempre hindi din ako nakalusot sa mga pang aalaska, tawag sakin dati Gagay. Hindi ko naman masyado dinamdam yun, i just claimed it, totoo namang negneg ako, and happy lang talaga ang childhood life ko noon, kaya puros laro lang inatupag ko.
When I reached high school, nagbago naman, hindi yung kulay ko opkors, yung set of friends. Naging part ako ng school volleyball team (hindi pang barangay level – average lang yung kakayahan). So, kahit iilan kaming negneg sa picture – keber, kasi inenjoy ko lang din yung high school life.
College life ko naman, surrounded ako with men, I took up Architecture, kaya one of the boys din ang peg. In short, I’m one of few% Filipinas who aren’t bothered at all with the morena color. 
Until, nung dumating ako sa Dubai, It all changed. Nope, hindi nagbago ng kulay, obviously from the picture same parin kulay ko, but how the people looked at me. Naging extreme, bigla akong naging foreigner magnet at the same time naging insecure-kabayan magnet din. Yep, was one of girls they put in the box called exotic. Harsh ba? nope, I don’t mind, siguro mas bully ako sa totoong buhay kaya hindi umubra yung pang bubully nila.
Hindi ko masyadong pinapansin yung kulay ko until people started telling me, I love your color. Mapa puti man or yung nagmamasahe na kabayan.
Sabi ni ate na na-feature sa Rated K, hindi sya ginagalang at pinapansin san man sya magpunta dahil sa kulay nya. Para sa akin, it’s not true. Confidence and respect is not based on color, lip fillers, augmentations, liposuctions, etc. but how you handle yourself.
Maputi ka, sexy ka, patok na patok yung hair color plus highlights mo, naka LV bag ka at tinodo mo pa yung alahas na hinuhulugan mo sa gold souk – Yung ugali mo naman asal *&%$% diba? Pano ka gagalangin ng tao? Malayo palang bungangera ka na, pupunta ka sa office naka t-shirt ka, late ka pa! Kahit saan late ka, ultimo sa birthday party ng kaibigan mo late ka.
Paano mo inexpect that you’ll rise above the rest kung yung attitude mo same with the rest? Idadaan nalang ba natin sa artificial na pagandahan para mag stand out?
Invest in good ethics, respect people and live. Kahit gaano ka negneg like me, stay happy! Corny yeah, but if you can, don’t harm your body by drinking diet pills, diet teas, anything na in the end will have a bad effect in your body. 
Mamamatay ka na in few years – keber na dapat sa mga sasabihin ng iba, mind your life, make it beautiful!

2 thoughts on “May Problema Ba Tayo Sa Kulay Maiitim? #Tagalogthursday

  1. Korek! Mas ok ang kayumanggi mas gusto ng hubby ko nga e. Silang mga puti nagpapa tan tapos ibang Pinay naman nagpapa puti para mapansin? hmmm… anyway.. kanya kanyang diskarte nga naman. 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s