Buhay Sa Dubai #Tagalogthursday

Nung nakaraang month, naka attend ako ng libreng seminar tungkol sa  Insurance para sa mga magulang na lagpas 60 yrs old pataas. May nag tanong sa speaker na si Arkitek-turned-Financial Consultant, saan ba mas magandang kumuha ng Insurance? Dito sa Dubai o sa Pinas? Pinakuha nya kami ng papel at pinag compare,

  • san ba yung mas safe pag tatawid ka sa tulay sa gabi? (security)
  • health care
  • free emergency
  • may magandang facility
  • mas malinis na ospital
  • the way it is designed (expat/ locals)
Kung titignan mo sa presyo ng premium, mas mahal sa  UAE pero kung i co-compare sa risk factor dito vs. Pinas, mas mura dito sa UAE.
Nakaka tulog kami ng kahit hindi sinasara yung pintuan, iniiwan yung grocery cart sa mall kahit pumapasok sa loob ng shops, iniiwan ng mga tao yung mga bag/ cellphone at wallet nila unattended kahit mag cr pa sila. 
Unfair syempre kung i – cocompare ko UAE vs. Pinas, opkors majority ng mga tao dito Professional, meaning nag punta dito para mag work at hindi tumamabay sa tindahan para mangutang. (char)
Naalala ko tuwing umuuwi kami sa bansa ng asawa ko sa bahay niya (Italy), todo kandado yung bahay sa gabi, naninibago ako from Dubai to Italy, kasi hindi siya safe sa sarili nyang bansa, (North) Italy na yon ah, kaya gustong gusto nya ang Dubai, “walang ibang bansa mas safe tirahan sa mundo apart sa UAE – na hindi malamig ang climate” – sabi nya.
Totoo naman. Bidang bida talaga yang item na yan.
Apart sa safe dito, magara din mga tao dito, dito ko na discover ang sense of fashion ko, adapt adapt lang naman yan eh, pag nasa Japan ka, ano ba mga style don? Maganda yung colored hair, palakihan ng mata (todo contact lenses), palakihan ng… alam nyo na, syempre yun yuung idea ng maganda sa bansa nila, dito, iba din, kahit nasa Karama at Deira ka (Maynila version sa Pinas), makikita mo left and right branded bags, shoes clothes, atbp. 
Hindi mo na need mag punta sa mamahaling lugar para makakita ng “glitz” & “bling” kahit sa metro -fashion packed ang mga tao.
Pakapalan ng ginto sa leeg, pagandahan ng bag, pakapalan ng make up, pabanguhan ng pabango, pagandahan ng porma, PERO walang halong yabang. – I’m referring to other nationalities ah.
Hindi pala uso dito yung payabangan ng oto, tseh! pinag mamalaki mo yung toyota mo, company car dito BMW (lels), Uber dito Lexus, mura lang sasakyan dito, pwede kang magka 2nd hand na Range Rover worth 600,00 pesos lang. (Range? oo yan yung binentang company car sa opisina ng asawa ko).
Syempre kung nakatira ka sa Countryside, po-porma ka ba ng high heels sa damuhan? walang hustisya diba?
Adapt adapt lang, binigyan ka ng runway – maximize mo lang!
Para sa akin, babae po ako, (haha). Kaya Instagram feeds ko minsan ootd, masaya eh diba? Kaya yung mga manang na allergic sa mga magagandang pormahan at magagandang gamit na nabili mo, pasing tabi na lang po, iba yung yabang at iba yung pure joy. 🙂  #ilovedubai
UAE, home of different Nationalities. Bad trip ka ba sa mga pana? Imbyerna ka sa mga patan? Ako hindi, masaya kaya kapag iba’t ibang lahi nakaka salamuha mo sa araw araw.
mydubai copy.jpg
Indians fixing my Salon
Nung inaayos nila yung Ga-waterfall leakage sa ceiling ng Salon namin, kausap ko din sila at the same time, actually ang pinipicturan ko talaga diyan is yung leak sa ceiling, pero pumose pa talag sila para sa picture. Di naman nila tinanong kagad tiga saan ako sa Pinas, magkano benta ko sa salon/ sahod ko sa work at kung okay ba mag work dun (hehe), mga basic hi & hello’s ng tipikal na kabayan. 
Ang everyday life ko sa Salon that time is chatting with Lebanese manager sa tabi ng shop, Na appreciate ko yung nakaka  pag salamuha ako sa iba’t bang lahi, sa ugali nila, kultura, pagkain at sa mga kwento nila sa buhay. Yan yung isa sa mga highlight ng buhay ko dito sa Dubai.
Opkors kahit saan ka magpunta, mayroon  at mayroong kapintasan at negative side, gaya ng sabi ng mga nakakatanda..
“Don’t spit on plate where you eat”
Kung maraming reklamo, libre namang umalis right?

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s