Magkano kitaan sa Stocks? Simulan Na Yan! #TagalogThursday

So baguhan ka sa stocks, nag join ka sa mga importanteng group sa Facebook para ma-update at ma-enhance yung kaalaman mo, bigla kang nag post sa group – “Pano po ba kumita ng malaki kagad?”

Yannn Lavannn! Yan yung mga tanong na allergic yung mga nakakatanda na sa stocks! (hehe). Ayaw nila ng makaka kita ng mga ganyang litanya – yung “easy money”.
Mababanatan ka ng mga – Ano ba purpose mo? Fundamentals ba or Technicals ang guide mo? hanggang sa humaba na ng humaba ang discussion.
Point is, kung bago ka, opkors gulantang ka sa mga terms at mga kung ano ano pang -dami nilang alam. (hehe) sorry relate na relate kasi ako as a beginner (that time)… natatawa ako, biglang lumabas yung mga equation na paikot ikot sa ulo ko. (OA, i know right..)

giphy1

Sabi nila, huwag ka daw papasok sa stock unless ready ka, pag aralan mo daw yung pasikot sikot and everything, I did the other way around, kasi di mo naman malalaman unless nandun ka na (para sa akin). Syempre nanood muna ako sa youtube para malaman at least yung basic.

Disclaimer: Huwag nyo akong tularan sa diskarte ko sa stocks, kwento kwento lang peg ko dito.

Ano ba yung basic na nalaman ko, simple lang – paano pindutin yung BUY at SELL button sa broker’s page at iba pa.
Anong Broker? Nose bleed kagad?
Example kailangan mong mag withdraw over the counter sa bank, kailangan mong dumaan sa Teller para makakuha ng pera. Same concept with stocks, hindi ka bibili ng Jollibee stocks sa opisina ng may ari ng Jollibee, dun papasok si Broker. Kay broker ka bibili at magbebenta (middleman)
Teller = Broker
Gets?
Pag gusto mong mag impok ng pera thru stocks, tawag sayo “Investor”, ibig sabihin nyan parang nag iimpok ka din ng pera sa bank pero hindi sa banko kundi sa Stocks.
(Instant tanong: pwede ko bang I- withdraw pera ko from stocks?) – OPKORS!
Pag gusto mo namang mag buy and sell every day or every week, tawag sayo “Trader”.
Pag nag self proclaimed “Daily trader ka”, expect mo na,  na alam mo dapat yung mga history and updates ng mga kumpanya. Kaya tinanggal ko yung “daily trader” sa profile ko eh, baka makaharap ako ng mga halimaw sa stocks baka tumulo lang laway ko 😛
May naiinip na ba sa Subject na “magkano ba kitaan sa stocks?”
Pag nag tanong ka, ano ba yung magandang stock na magandang mag invest?
Makinig ka, pag kunwari taga Makati ka at plan mong mag bukas ng restaurant – yung gusto mong malaki ang kita, itatanong mo sa friend mo, pre san ba magandang magbukas?
Sagot nya, sa Antipolo pare, taga dun ako eh!
May nakuha ka bang tamang sagot? wala diba? Ganun din sa stocks.
Apart sa sasabihin nilang lahat na sa Blue Chips ka lang mag invest, yan at yan lang ang makukuha mong clear answer. Kasi in short, pera mo yan, diskartehan mo yan. #nganga diba (hehe)
Whether motibo mo is easy money or long term investment, we all have one common denominator, which is capital appreciation
*Capital appreciation is an increase in the price or value of assets.
So, first stock na binili ko is ALI (Ayala Land). the rest – hindi ko alam. Excited mag stocks at mag buy and sell. (ef na ef lang)

Disclaimer: Gaya ng sabi ko kanina, huwag niyo akong tularan. Kwento kwento lang ok.

Nag start ako lat year 2015 December. As of today, ang kita ng mga galawan moves ko sa stocks is 62,056AED. (Sixty two thousand and fifty six dirhams, not pesos)

giphy

At Today, lugi ako ng  Php164,331 (One hundred sixty four thousand, three hundred thirty one pesos) (meaning, yung iba kong stocks negative).
Narinig kita! yung malaking kitaan eh dahil nman yan sa malaki din ang perang ininvest!
True! and Not True!
Sample,

abg bought.jpg

 

abg sold.jpg

Nabili ko yang ABG stock (Asia Best Group Int’l) nung May 18, 2017 binenta ko nung May 30, 2017, for 12 days, nag gain yung pera ko ng 33.33%
With Php22.5/ share x bumili ako ng 2,000 shares
Total na ginastos ko including tax = Php 45,132.75 (malaking pera ba yung 45k php? for sure yakang yaka mo yan, magkano ba iPhone 7?)
Total naman na nakuha ko nung binenta ko = Php 59,523
Benta (Php 59,523) – Puhunan (Php 45,132.75) = Php 14,390 <- yan yung kita (profit) or 1,060AED  (13.57  yung conversion ng peso-aed that day)
So, 1,060AED in 12 days ng walang ginagawa. Walang pila ng 2 hours sa umaga para mag antay ng shuttle van papuntang Makati, walang 3 hours traveling time to work. #ohsopinas!
Not bad right? 33.33% May banko bang kayang magbigay ng ganyang kalaki in 12 days?
Open minded ka? (hehe) Wag ka ng mag pyramid eklaboom at magpaluwagan, maloloko ka lang, mag stocks ka nalang!
Hindi mo naman kailangan lagi ng malaking pera para mag invest sa stocks. Basta simulan mo lang, now na! hanggat di ka nagstart, di mo rin alam yung possibility na mag appreaciate yung pera mo diba?
Para sa akin, Stock is not just about getting money. Madaming sasanga na traits na hindi mo alam about yourself.
  • Mag kaka clear view ka na Money is not God.
  • Hahaba Patience mo, lalo pag wala kang anak. (yung mga mader and fader -tested and patience)
  • Lulupit diskarte mo sa buhay
  • Lulupit din yung hulaan moves mo sa buhay 😛 (wag tularan)
  • Madidiscover mo yung mga companies sa Pinas na wala kang ka ide-idea dati
  • Magiging Loyalista ka, Love Pinoy Brands, matutuwa ka mahaba pila sa Jollibee sa Dubai Mall, eh may stocks ka dun eh 🙂
  • At lastly, tatawa ka nalang pag sinabihan kang – nasa bahay ka lang? Dahil wala sila idea magkano kitaan sa Stocks!
Instead na nganga lang sa opisina or mag Facebook  lang  buong a raw  ubos oras lang parang #zombiemode, why not try stocks?
Mas maganda pa portfolio ko sa Stocks kesa sa work. Sa work, ni hindi ko na feel yung profit sharing dito sa Dubai. Sa Stocks, arms wide open! 🙂 Dividends! parang binigyan ka ng allowance ng magulang mo literal! 

 

cash dividend.jpg

Thank you Php 6,570 or 485AED cash dividend! Omergerd! #gulantang

 

 

 

 

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s